DAY OF VALOR | Pangulong Duterte, nagpaabot ng papuri sa mga bayaning nagbuwis ng buhay para sa bansa kasabay ng ‘Araw ng Kagitingan’

41

Manila, Philippines – Nagpahayag ng pakikiisa si Pangulong Rodrigo Duterte sa paggunita ng ika-76 na Araw ng Kagitingan.

Sa kanyang mensahe, pinuri ng Pangulo ang pagsisikap ng mga bayaning nagbuwis ng buhay maibigay lang sa mga Filipino ang kalayaan sa kasalukuyan.

Nagpahayag rin ang Pangulo ng pagkabahala dahil mayroon aniyang mga grupo ang patuloy na sumisira sa mga panuntunan at institusyon ng bansa.

Hinimok naman ng Pangulo na maging inspirasyon ng mga Filipino ang nangyari sa Bataan para ipagtanggol ang Pilipinas laban sa anumang banta sa soberanya at kalayaan.

Facebook Comments