ANTI-DENGUE VACCINE | DOH, magtatalaga ng 500 nurse para i-monitor ang kondisyon ng mga batang naturukan ng Dengvaxia

Manila, Philippines – Magpapakalat ang Department of Health (DOH) ng aabot sa 500 nurse para sa bantayan ang kondisyon ng mga batang nakatanggap ng Dengvaxia vaccine.

Ayon kay Health Undersecretary Enrique Domingo, inaprubahan na ni Health Secretary Francisco Duque ang deployment ng 150 nurses sa Central Luzon, Calabarzon, National Capital Region (NCR) at Cebu.

Ani Domingo, magha-hire pa sila ng natitirang 350 nurses kapag naaprubahan na ng kongreso ang hiling ng ahensya na magamit ang 1.16 billion pesos na refund money mula sa Sanofi Pasteur.


Aabot na sa 22 milyong piso ang nagastos ng DOH para sa medikal na pangangailangan ng halos 3,000 pasyenteng na-ospital na naturukan ng Dengvaxia.

Facebook Comments