Manila, Philippines – Pinaghahandaan na ng Department of Health (DOH) ang pagdami muli ng kaso ng dengue mula sa 900,000 na batang nabakunahan ng Dengvaxia.
Ayon kay Health Secretary Francisco Duque III, inaasahang tataas muli ang bilang ng mga batang magkakaroon ng dengue infectionsdahil mababang proteksyon.
Umapela ang kalihim sa mga magulang ng mga batang nabakunahan ng Dengvaxia na bantayan ang mga sintomas ng dengue at agad idala sa government hospitals.
Aniya, may mga itinalagang dengue express lanes ang mga ospital para mabilis matugunan ang kanilang pangangailangang medikal.
Mula sa dalawang bilyong pisong refund mula sa manufacturer ng anti-dengue vaccine na Sanofi Pasteur, iminumungkahi ng DOH na magamit ng nasa 776 million pesos nito para sa pagpapagamot ng mga batang nabakunahan.