KAKASUHAN PA RIN | Nanalo man o natalo na mga barangay officials na kabilang sa narco list, kakasuhan ng PDEA

28

Manila, Philippines – Inihahanda na ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang criminal charges laban sa mga nanalo at natalong opisyal sa barangay elections na kabilang sa narco list.

Ayon kay PDEA Director General Aaron Aquino, nasa 207 officials ang handa nilang kasuhan.

Sabi ni Aquino na lubos na nakatulong ang narco list para gabayan sa pagboto ng puliko sa katatapos na eleksyon.

Natutuwa siya dahil marami sa mga nasa listahan ay natalo para sa re-election.

Sa ngayon, nakatanggap ng ulat ang PDEA na nasa 26 na barangay captain at 15 kagawad ang nanalo sa eleksyon sa kabila ng pagpapabilang ng kanilang pangalan sa narco list.

Facebook Comments