ANTI-DENGUE VACCINE | Guidelines para sa imbestigasyon sa mga batang namatay na naturukan ng Dengvaxia, inilabas ng DOH

Manila, Philippines – Naglabas ng guidelines ang Department of Health (DOH) kaugnay sa isasagawang pag-iimbestiga sa mga batang namatay matapos maturukan ng Dengvaxia vaccine.

Ayon kay Health Undersecretary Eric Domingo, kabilang rito ang pagbuo ng autopsy team na binubuo ng isang pathologist at dalawang mortician mula sa piling DOH level 3 hospital.

Nakapaloob rin sa guidelines na kung sa ibang ospital namatay, isasagawa ang pag-autopsy sa morgue na accredited ng National Bureau of Investigation o NBI.


Dapat ring maabisuhan ang pamilya na karapatan nilang magpadala ng kinatawang doktor para maging testigo sa autopsy at sa pagkuha ng tissue sample.

Ibabahagi aniya ang resulta ng autopsy sa dengue investigative task force ng Philippine General Hospital (PGH).

Sabi pa ni Domingo, walang kailangang gastusin ang pamilya sa autopsy dahil naglabas na ang DOH ng P6.5 billion bilang inisyal na pondo sa 13 DOH reference hospitals.

Facebook Comments