HALALAN | Certificate of candidacy para sa mga kakandidato ng Barangay at SK Elections, magsisimula nang tumanggap ang COMELEC

Manila, Philippines – Maaari nang magpasa ng aplikasyon sa Commission on Elections (COMELEC) ang mga kakandidato sa Barangay at Sangguniang Kabataan election sa Mayo 14.

Ayon kay comelec Spokesperson James Jimenez, maaaring magsumite ng Certificate of Candidacy (COC) hanggang sa Abril 21.

Aniya, sa ngayon ay puspusan na ang pagpapakalat nila ng mga impormasyon tungkol sa Barangay at SK elections.


Sa katunayan aniya isang “mock elections” ang kanilang isasagawa sa Tondo, Maynila sa Abril 21.

Facebook Comments