Manila, Philippines – Nangangamba ngayon ang mahigit 800 mga pulis ng Quezon City Police District (QCPD) matapos silang turukan ng dengue vaccine na Dengvaxia.
Bukod sa mga pulis ay mayroong pang 500 silang mga kaanak na tinurukan rin ng Dengvaxia.
Pero ayon kay ni Dr. Julius Lecciones, Executive Director ng Philippine Children’s Medical Center (PCMC) na siya ring nangasiwa sa vaccination program sa mga pulis at sibilyan, hindi kailangang mag-panic at magpadala sa mga negatibong balita ukol dito.
Namigay ng orange cards ang PCMC sa kanilang mga nabakunahan para makakuha ang mga ito ng libreng medical assistance sakaling makaramdam ng sintomas ng dengue.
Samantala , suspetsa naman si Health Secretary (DOH) Francisco Duque III na may mga itinatago pang impormasyon ang Sanofi Pasteur tungkol sa Dengvaxia.