ANTI-DENGUE VACCINE | Paggamit ng DOJ sa senate blue ribbon committee report para sa Dengvaxia investigation, tama lang – Health Sec. Francisco Duque

29

Manila, Philippines – Naniniwala si Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III na tama lang na gamitin ng Department of Justice (DOJ) sa kanilang imbestigasyon ang senate blue ribbon committee report tungkol sa Dengvaxia controversy.

Ayon kay Duque, komprehensibo at malawak ang senate report na maaring basehan sa anumang reklamong isampa laban sa mga dati at kasalukuyang opisyal.

Base sa blue ribbon committee report, sina dating Pangulong Noynoy Aquino, dating Health Secretary Janette Garin at dating Budget Secretary Florencio Abad ang mga pangunahing may pananagutan sa lahat ng pinsalang idinulot ng Dengvaxia mass vaccination program.

Lumabag ang tatlo sa paglabag sa Code of Conduct at Ethical Standards for Public Officials and Employees.

Facebook Comments