BLOOD DONATION | DOH, nakapagkolekta ng isang milyong blood units

15

Manila, Philippines – Pormal na nakamit ng Department of Health (DOH) ang target nitong makakolekta ng isang milyong blood units.

Sa datos, nakakolekta ang DOH ng 1,120,408 blood units o isang porsyentong koleksyon mula sa kabuhuang populasyon.

Ayon kay DOH Secretary Francisco Duque III, patuloy na itataguyod ng ahensya ang blood donation para makasagip pa ng buhay.

Nagpasalamat ang kalihim sa mga blood donors na siyang bayani sa mga nangangailangan ng dugo.

Hinikayat ni Duque ang mga Pilipino na magsagip pa ng buhay sa pamamagitan ng pag-donate ng dugo.

Facebook Comments