ANTI-DENGUE VACCINE | PAO, iginiit sa DOJ na clinical trial vaccine ang Dengvaxia

Manila, Philippines – Iginiit ng Public Attorney’s Office (PAO) sa DOJ na nasa clinical trial pa lamang ang Dengvaxia nang ibakuna ito ng Department of Health (DOH) sa halos isang milyong mga bata.

Ayon sa PAO, patunay dito ang dokumento mula kay Peter Smith ng World Health Organization (WHO) na nagsasabing noong November 2017 lang natapos ang phase 1 ng clinical trial ng Sanofi Pasteur sa Dengvaxia vaccine.

Kasalukuyan pa anya ngayon nasa pharmacological monitoring ang surveillance para sa nasabing bakuna.


Kaugnay nito, iginit ni PAO chief Persida Acosta ang pagturok nito sa halos 1 milyong mga batang Pilipino.

Una nang nagbanta ang PAO na madadagdagan pa ang mga kasong isasampa nila laban sa mga opisyal ng gobyerno na nagpatupad ng Dengvaxia anti-dengue vaccine program.

Facebook Comments