ANTI-DENGUE VACCINE | Senate committee report ukol sa Dengvaxia, isusumite ng VACC at VPCI sa DOJ

Manila, Philippines – Isusumite sa Department of Justice (DOJ) ang senate committee report kung saan may pananagutan si dating Pangulong Noynoy Aquino sa kontrobersyal na Dengvaxia vaccine.

Ang Volunteers Against Crime and Corruption (VACC) at ang Vanguard of the Philippine Constitution (VPCI) ang pormal na naghain ng criminal complaint laban kay Aquino at 42 iba pa sa DOJ.

Ayon sa VACC at VPCI, bukod sa counter-affidavits, isasama rin nilang ipapasa ang senate blue ribbon committee report sa susunod na pagdinig na itinakda sa June 22.


Maliban kay Aquino, lumabas din sa senate committee report na criminally liable sina dating Health Secretary Janette Garin at dating Budget Secretary Florencio Abad.

Una nang iginiit ni Aquino na wala siyang pananagutan dahil walang matibay na ebidensya na namatay ang mga biktima dahil sa Dengvaxia.

Itinanggi rin ni Aquino na walang anomalya sa 3.5 billion pesos immunization project.

Facebook Comments