Anti-discrimination ordinance sa Maynila, pormal nang nilagdaan ni Mayor Isko Moreno

Pormal nang nilagdaan ni Manila City Mayor Isko Moreno ang anti-discrimination ordinance, na kakastigo sa sino mang magdi-discriminate base sa Sexual Orientation and Gender Identity Expression (SOGIE) ng isang indibidwal.

Sa kanyang talumpati, sinabi ni Moreno na nais niyang iparamdam ang patuloy niyang pagkilala at paggalang sa kahit na sino man sa Maynila, walang mahirap, walang middle class, walang mayaman, walang bakla, walang tomboy, walang lalaki, walang babae.

Aniya, kinikilala niya rin ang kontribusyon ng LGBT community sa larangan ng sining, negosyo at sa pamahalaan.


Sinabi pa ni Moreno na ngayon ay opisyal nang mapapanagot ang mga indibidwal na mababaw ang pang-unawa sa nasabing komunidad.

Tiniyak din niya na walang kapahamakang mangyayari sa mga miyembro ng LGBTQI kapag sila ay nasa Maynila.

Facebook Comments