Caloocan City – Arestado ang isang 65- anyos na lolo at kasabwat nito matapos na makuha sa kanila ang P1.5-milyong halaga ng shabu sa isinagawang isang anti-drug operations ng Northern Police District (NPD) sa Barangay 177. Camarin, Caloocan City.
Kinilala ang mga nadakip na sina Johaira Camid at Jamilon Mustafa, 20-anyos.
Isang pulis ang nagpanggap na buyer at nakabili ng isang plastic sachet ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P2,000.
Nang magkabayaran, dito na pinalibutan ng mga otiridad ang suspek pero nagawa pang makatakbo ni Mustafa ngunit nakorner din siya ng mga pulis.
Narekober sa dalawan ang isang medium size na plastic sachet na naglalaman ng 50 gramo ng shabu at isa pang plastic bag na naglalaman naman ng 100 gramo ng shabu na tinatayang aabot sa P1.5 milyon ang halaga.