Manila, Philippines – Hindi na daw magiging madugo ang war on drugs ng Administrasyong Duterte.
Ito ay sa kabila ng average na anim na katao ang namatay kada araw sa nakalipas na dalawang taon ng kampanya laban sa iligal na droga.
Ayon kay Philippine National Police (PNP) Spokesperson Senior Superintendent Bong Durana, aabot sa 4,814 ang napatay sa anti-drug operations ng mga otoridad kung saan nangangahulugan ito ng 6 na indibidwal ang nasawi kada araw mula nang magsimula ang war on drugs noong July 1, 2016.
Pero sinabi ni Durana na ang naturang bilang ay nagpapakita na bumaba ang bilang ng mga namatay kasunod ng pagplantsa ng PNP sa nasabing operasyon.
Iginiit pa ni Durana na mula July 1, 2016 hanggang October 25, 2016, mayroong 1,798 na patay sa drug operations ng pulisya o 105 na patay kada linggo.
Bumaba ito sa 61 deaths per week mula October 26, 2016 hanggang January 30, 2017 o 816 deaths per week.
Tiniyak naman ni Durana na patuloy ang pag-ayos nila sa polisiya at sa proteksyon ng karapatang pantao hindi lang ng suspek kundi pati ang pulis.