ASIAN GAMES | Jordan Clarkson, pinaghahandaan na ang pagiging flag bearer

Indonesia – Naghahanda na si Fil-Am NBA guard Jordan Clarkson para maging flag-bearer ng Philippine delegation sa opening ceremony ng 2018 Asian Games sa Indonesia.

Anim na barong tagalog ang kailangang isukat ni Clarkson para sa inaugural rites na gaganapin sa Gelora Bung Karno Stadium sa kabisera ng bansa na Jakarta.

Ayon kay national team Chef de Mission Richard Gomez, inendorso niya si Clarkson kay Philippine Olympic Committee Secretary-General Patrick Gregorio bilang standard-bearer ng bansa dahil sa pagiging good role model nito kung saan naabot nito ang nais ng bawat Filipino basketball athlete sa pamamagitan ng paglalaro sa NBA.


Ang nasabing barong, na gawa sa silk o sutla, ay may burdang “Harimanok “design at may araw sa magkabilang dibdib na susuotin din ng 270-man national contingent sa opening parade ng continental multi-sport event na mag-uumpisa bukas ng alas-8:00 ng gabi (oras sa Pilipinas).

Facebook Comments