Manila, Philippines – Isasama na sa taunang pambansang pondo ang `Anti-Elder Abuse Act` matapos na katigan ng House Committee on Appropriations ang pagbibigay ng alokasyon para dito.
Layunin ng panukala na protektahan ang mga senior citizens laban sa anumang uri ng karahasan.
Ang nasabing panukala ay isasalang sa plenaryo sa muling pagbubukas ng sesyon sa Nobyembre para tuluyan ng maaprubahan ng Kamara.
Sa ilalim ng panukala ay salig sa Konstitusyon at probisyon ng Universal Decalaration of Human Rights, pinakikilos ang gobyerno na aksyunan ang lahat ng uri ng pang-aabuso sa mga matatanda na makakaapekto sa kanilang seguridad, kaligtasan, dignidad, at buhay.
Ang mga senior citizens na inabuso ay makakatanggap ng proteksyong ligal sa Public Attorney`s Office at sa DOJ at makakakuha ng support services mula sa DSWD at sa LGUs na nakakasakop dito.