Anti-Graffiti Campaign sa Baguio!

Baguio, Philippines – Kahit saan may vandalismo, madumi at masakit sa mata.

Isang malinis na Baguio ang gusto ng bawat isa, pero may mga taong kumokontra dito. 

Kaya nakipag-ugnayan ang mga kapulisan ng Station 6 ng Aurora Hill sa mga residente para maiwasan at matanggal ang mga Graffiti sa mga pader na nagpapa dumi sa lungsod.


Matagal nang problema ng Baguio ang Graffiti, kahit saan meron, pader ng bahay, pasyalan, mga establisyemento at maging waiting shed ay may vandalismo. Gumawa na rin ng hakbang ang Kapisanan ng mga Brodkaster ng Pilipinas – Baguio Benguet Chapter noong Abril ng kasalukuyang taon pero makalipas lang ang isang linggo, may Graffiti na ulit.

Ikaw kaibigan, paano nga ba mas mapipigilan ang vandalismo sa syudad ng Baguio?

 

Facebook Comments