Inihayag ni Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Acosta na kaya paulit-ulit na lang ang napapatay na mga estudyante sa hazing ay dahil hindi umano mabangis o walang pangil ang Anti-Hazing Law.
Sa ginanap na press conference sa Quezon City, hiniling mismo ni Acosta na repasuhin ng mga mambabatas ang nabanggit na bantas bunsod ng mga serye ng karahasan sa mga estudyante na nauuwi sa brutal na kamatayan dulot ng hazing.
Nang tanungin naman si Acosta na kung sakaling lumapit sa kanilang mga abogado ang mga miyembro ng fraternity na nag-uugnay sa hazing ng Adamson University student na si John Matthew Salilig, ay agad niyang sinabi na hindi nila ito tutulungan.
Aniya, humingi na ng tulong sa PAO ang pamilya ni Salilig at isa pang biktima ng hazing sa Cebu.