4 NPA, patay sa enkwentro sa Negros Occidental

Nasawi ang apat na komunista sa pakikipaglaban sa mga tropa ng 94th Infantry Battalion sa Himamaylan City, Negros Occidental kahapon.

Naganap ang engkwentro matapos rumesponde ang mga sundalo sa sumbong ng mga residente sa Barangay Carabalan, na sapilitang nangongolekta ng pagkain ang New People’s Army (NPA) sa lugar.

Dito’y nakasagupa ng militar ang tinatayang 20 miyembro ng NPA, na nagsipulasan matapos masawi ang apat nilang kasamahan.


Narekober sa encounter site ang 2 M16 rifles, 2 M203 grenade launchers at 2 AK47 rifle.

Ikinatuwa naman ni 3rd Infantry Division Commander BGen. Marion Sison ang aktibong pakikipagtulungan ng mga komunidad sa militar, sa pagsuplong ng mga aktibidad ng NPA.

Facebook Comments