ANTI-ILLEGAL DRUG OPERATION|2-patay matapos nanlaban sa Anti-drug operation sa South Cotabato

General Santos City—Patay ang dalawang target sa buy-bust operation ng pulisya matapos silang nanlaban sa bayan ng Polomolok, South Cotabato.

Kinilala ang mga suspek na sina Abdul Diok Magalino, legal age, residenti ng Barangay Magsaysay at Oliver Tejero, legal age, residenti ng Barangay Poblacion, Polomolok, South Cotabato.

Sa report ng Polomolok Municipal Police Sation alas 10:00 kagabi ng nagsagawa sila ng buybust operation sa Purok Masikap, Barangay Pagalungan kung saan target nila ang dalawang suspek.


Nang iniabot na ng isang pulis ang pera bilang marked money, nakatunog ang mga suspek kaya biglang bumunot ng baril at pinaputukan ang pulis.

Agad namang nakaresbak ang iba pang pulis na nakatago lang sa paligid kaya natamaan ang dalawa sa ibat ibang bahagi ng kanilang katawan.

Agad naman silang dinala sa Polomolok Municipal Hospital pero ideneklarang dead on arrival.

Napag-alaman na notado nang nagbibinta ng illegal drugs ang dalawang suspek sa bayan ng Polomolok at matagal na din itong isinailawim sa surveillance.

Facebook Comments