ANTI-ILLEGAL DRUG OPERATION|Bahay ng Barangay Chairman ni-raid, isang gramo nga shabu narecover

General Santos City—Sinampahan ng kasong paglabag sa RA 9165 ang Barangay chairman ng Barangay tambilil, Kiamba, Sarangani Province matapos itong nakunan ng pinaghihinalaang shabu kasabay ng isinagawang Search Operation sa bahay nito kamakalawa.

Kinilala ni Joni Layso, Spokesperson ng PDEA ang Barangay chairman na si Latip Mangkat.

Alas 2:00 ng madaling araw ng pinasok ng PDEA ang bahay ni Kapitan Mangkat pero bigo silang maaresto ito dahil wala ito sa kanyang bahay nang nangyari ang raid.


Isang gramo ng Pinaniniwalaang shabu ang nakuha sa bahay ng nasabing Barangay Kapitan.

Kinumperma naman ng PDEA na wala sa ipinalabas na Narcolist ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pangalan ni Mangkat pero isa ito sa mga Priority target list ng Sarangani Police Office sa mga sangkot sa illegal drug activity sa bayan ng Kiamba, Sarangani Province.

Facebook Comments