Manila, Philippines – Binigyang diin ni Dangerous Drugs Board Chairman Dionisio Santiago na hindi anti-poor ang war on drugs ng administrasyong Duterte.
Ito naman ay sa dahil narin sa puna ng mga kritiko ng administrasyon na puro mahihirap lamang ang napapatay ng mga anti-illegal drug operations ng Philippine National Police.
Ayon kay Santiago, nagkataon lang na puro mahihirap ang matinding naaapektuhan ng laban sa iligal na droga dahil lumalabas na marami sa mga tulak ng droga ay nasa marginalized community o nasa mahihirap na lugar.
Sinabi din nito na marami din namang mayayaman ang lulong sa iligal na droga pero hindi tulad ng mga mahihirap na gumagamit na at pinagkakaitaan pa ang pagtutulak ng shabu.
Paliwanag ni Santiago, hindi naman main source of income ng mga mayayaman na lulong sa droga ang pagtutulak pero possible naman aniya na ang ilan sa mga ito ay nag popondo sa mga malalaking drug operations.
Anti-illegal drug operations hindi anti-poor ayon sa pamahalaan
Facebook Comments