iFM Laoag sa INCAT Palaro 2017 pageant

Malakas na tilian at kanya kanyang suporta sa kanilang pambato sa G. at Bb. INCAT PALARO 2017 (Lakandula at Lakambini 2017) na itinanghal mismo sa Ilocos Norte College of Arts and Trades o INCAT.

Sadya ngang makikisig at naggagandahan ang mga kalahok at inaabangan ang pagsagot ng mga ito sa question and answer portion. Marami man sa kanila ang kinabahan subalit kanila pa ding ipinagpatuloy at nakangiting tinapos ang naturang pageant.

Tinanghal na G. INCAT Palaro 2017 si Jack Targa at ginawaran din bilang Lakandula 2017 at si Rea Kyle Agula Bartolome naman bilang Bb. INCAT Palaro 2017 at si Jamaeca GraceTambag bilang Lakambini 2017.


Isa sa mga minor awards naman ang pagpili ng Mr. and Ms. iFM 2017 na iginawad ni DJ Boom Tere.

Naging matagumpay and naturang event at kasama ang IFM Laoag bilang sponsor sa nasabing pageant.

Tag: pageant, INCAT, sponsor, Mr. and Ms. iFM 2017

Facebook Comments