Anti-Illegal Logging Campaign, Pinaigting sa Lalawigan ng Quirino!

39

*Quirino- *Nagkaisa ang iba’t-ibang ahensya ng pamahalaang Panlalawigan ng Quirino sa pangunguna ni Governor Junie Cua katuwang ang 86th Infantry Battalion, PA sa pangangampanya sa iligal na pamumutol ng kahoy sa nasabing probinsya.

Ito ang ibinahaging impormasyon ni Sgt Gay Saguibo ng 86th IB nagkaroon ang mga ito ng pagpupulong sa Water Sports Complex Cabarroguis, Quirino upang pag-usapan at tuldukan ang illegal logging sa naturang probinsya.


Tinalakay sa isinagawang pulong ang kahalagahan ng bawat ahensya sa binubuong Memorandum of Agreement na mga hakbang sa pagsugpo ng illegal logging at mga posibleng kaso na kakaharapin ng sinumang lalabag o mahuhuli.

Inihayag naman ni Lt. Col. Remegio Dulatre, ang Commanding Officer ng 86th IB sa pamamagitan ni 2nd Lt. Jeffrey Banuelos ang kanyang buong suporta sa adhikain ng pamahalaang panlalawigan ng Quirino laban sa mga iligal loggers.

Sa ngayon ay hinihintay na lamang matapos ang binubuong MOA upang maipatupad at masugpo na ang paglaganap ng mga illegal loggers.

Facebook Comments

From Advertisers