Pansamantalan ipinahinto ng Dept. of Interior and Local Government (DILG) ang Anti-Insurgency Efforts sa mga lugar na naapektuhan ng lindol sa Mindanao.
Ito ay upang mas matutukan ang Disaster Response.
Pero paglilinaw ni DILG Sec. Eduardo Año, sakop lamang nito ang mga Local Government Unit.
Aniya, patuloy pa rin ang Security Efforts ng militar at pulis.
Sinabi ng kalihim na ang mga LGU ay inatasang pangunahan ang mga hakbang para resolbahin ang armed conflict sa kanilang komunidad sa tulong ng ibang stakeholders.
Tiniyak ng DILG na naka-alalay ang National Government sa pagpopondo ng konstruksyon ng mga bahay sa relocation sites at iba pang public facilities.
Facebook Comments