Anti-Parking Bid sa Burnham Park, Binuhay

Baguio, Philippines – Isang Online petition ang lumutang kasama ang isang dating panawagan na panatilihing bukas ang ilang lugar sa Burnham park para sa mga Public Utility Jeepneys o PUJ para maitatag ang Mass Transport System.

Narito ang nakasaad sa petisyon: “This petition does not aim to be divisive, I/We do not intend to express disapproval towards those who have cars, especially those who maximize the carrying capacity of their vehicles (ie. a family with young children, PWD, medical practitioners and senior citizens) – I/we respect each motorists’ rights. We only refuse to remain the neglected sector of the community and believe that there are better approaches to achieve better mobility for all. PUJ commuters endure roofless waiting sheds, long lines before and after work/school, and suffer a financial shock when pushed to take a taxi and get stuck in traffic like everyone else to name a few,”

Matapos naman maipresenta ang apat na proposal para sa syudad, ang mga plano ay nasa pagsusuri na ng Technical Working Group o TWG sa pangangalaga ni  City Consultant Landscape Architect, Arch Renato Heray.


Ayon kay Councilor Mylen Yaranon kung saan, dagdag pa nya na ang TWG ay isinasaalang-alang ang pagggawa ng underground parking sa Jadewell and Creative Center Area ngunit ito ay nasa pagsusuri na ng Department of Tourism (DOT) at Tourism Infrastructure and Enterprise Zone Authority (TIEZA).

Dagdag naman ng nasabing petisyon, kapag makikipag-ugnayan ang syudad sa isang malaking mall na nakapagpatayo na ng malawak na parking space, mas matutulungan din nito ang trapik sa ating syudad at ang plano sa pagpapatayo naman nito sa isang lugar sa Burnham ay hindi naman naayon sa mga petisyon naman ng BAGUIO WE WANT FORUM kundi susundin nito ang desisyon ng National Historical Commission of the Philippines (NHCP) at maari din itong gawing “evacuation center” sa tuwing may kalamidad.

Dagdag din ng naturang petisyon ang plano kung paano papalakasin ang PUJ fleet sa lungsod na naka-angkla din sa plano.

Ang nasabing petisyon ay umabot na ng 14,506 na pirma simula noong Sabado

iDOL, ano sa palagay mo? maganda bang hakbang ito?

Facebook Comments