Ranggong 4-star general tatanggapin ni Police Lt. Gen. Archie Gamboa ngayong araw

439

Ipagkakaloob kay bagong Philippine National Police (PNP) Chief Police Lieutenant General Archie Francisco Gambo ang kanyang pang-apat na Estrella ngayong araw.


Ito ay matapos na italaga ng Pangulong Duterte si Gamboa bilang ika-23 hepe ng Pambansang pulisya, nitong Biyernes ng gabi.

Sa impormasyon mula sa PNP Public information Office, ang donning ceremony ay isasagawa sa Calabarzon kasabay ng aktibidad sa lugar ng Pangulong Duterte ngayong araw.

Bago maging ganap na PNP chief si Gamboa ang Deputy Chief for Administration ng PNP na tatlong buwang umupo bilang officer-in-charge ng PNP.

Matapos na magresign si dating PNP Chief Police General Oscar Albayalde nitong Oktubre dahil sa isyu ng ninja cops.

Facebook Comments