ANTI-POLITICAL DYNASTY BILL | Political will ang kailangan – Casiple

Manila, Philippines – Naniniwala ang isang political analyst na kailangan lamang ng political will para maipatupad ang anti-political dynasty bill.

Sa interview ng RMN kay Prof. Ramon Casiple – matagal ng panahon ang isinusulong ito pero hindi mailusot-lusot sa kongreso.

Nabatid na iminungkahi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon na maglagay ng probisyon sa Bangsamoro Basic Law na magbabawal sa mga political dynasties.


Giit ni Drilon – kung magkakaroon ng anti-political dynasty sa BBL, mabibigyan na ngayon ng patas na oportunidad ang iba para makapamuno sa mga bayan at siyudad at itataas din nito ang kalidad at uri ng mga lider sa lokal na pamahalaan.

Facebook Comments