Magtatatag ang Department of Agriculture (DA) ng isang traceability system para sa mahigpit na accreditation ng livestock at poultry traders at retailers sa bansa.
Ayon kay Agriculture Secretary William Dar, ang traceability system ay sumasailalim sa “strengthening process.”
Layunin nitong maiwasan ang pagmamanipula ng presyo sa meat at poultry industry.
Reresolbahin nito ang information gap sa supply chain, na kadalasang sinasamantala ng mga trader at wholesaler.
Ang kawalan ng records ng middlemen at traders ang nagpapahirap sa mga ahensya ng gobyerno para ipatupad ang mahigpit na regulasyon sa galaw ng farm products.
Mahalagang makilala ang mga lehitimong traders para mabilis na matunton kung saan nangyayari ang price manipulation.
Facebook Comments