Pamahalaan at Maynilad, posibleng magpulong sa May 3 para sa bagong concession agreement

Nakatakdang magpulong ang review panel ng pamahalaan at mga kinatawan ng Maynilad Water Services Inc. para pag-usapan ang bagong water concession agreement.

Una nang nilagdaan ang concession agreement ng pamahalaan sa Manila Water Company Inc. noong March 31.

Ayon kay Justice Secretary Menardo Guevarra, ang government panel ay nagpadala ng revised copy ng concession agreement sa Maynilad.


Ipinasa ng Maynilad ang kopya sa kanilang mga opsiyal at hinihintay ang kanilang komento rito.

Ang kontrata ng Maynilad sa pamahalaan ay mapapasok sa susunod na taon.

Sinabi ni Guevarra na ang kasunduan ng pamahalaan sa Manila Water ay magiging epektibo anim na buwan mula sa petsa na ito nalagdaan.

Facebook Comments