Patuloy sa paghina ang implementasyon ng Republic Act 9482 o Anti-Rabies Act of 2007 sa Bicol region. Dapat mayroon aktibo at malinaw na programa pagdating sa rabies prenvention and control ang Department of Agriculture, Department of Health kabilang na ang mga local Government Units para maresulbahan ang patuloy na pagdami ng mga kaso ng human and animal rabies.
Sa isinagawang Rabies Prevention and Control Stakeholders Forum, sa inisyatiba ni Cong. Gabby Bordado ng CamSur – 3rd District, nitong nakaraang Biernes, na dinaluhan mismo ng mga Municipal Health Officers napag-alaman na mahina ang implementasyon ng mga ordinansang may kaugnayan sa rabies prevention and control sa mga kabarangayan sa gitna ng patuloy na pagdami ng mga asong kalye. Ang patuloy na paghina sa implementasyon ng programa ay isinisisi sa kawalan ng maayos na impounding facility, kakulangan ng mga vaccinators at higit sa lahat kakulangan ng pondo ng mga LGUs para sa programang ito.
Matatandaan na kulelat din sa implementasyon ng kaugnay na programa ang rehiyon nitong nakalipas na taon.
Anti-Rabies Campaign sa Bicol, Mahina!
Facebook Comments