Isa sa mga tinututukan ng lokal na pamahalaan ng Mangaldan ang anti-rabies Vaccination para sa mga alagang aso at pusa.
Ngayong buwan ng Nobyembre mag-iikot ang kawani ng Mangaldan Municipal Agriculture Office (MAO) sa tatlong barangay upang mabigyan ng bakuna ang mga hayop.
Layon ng programa na palaganapin ang pagbibigay halaga sa responsableng pag-aalaga ng mga alagang hayop maging ang benepisyo ng tamang pagbabakuna para sa mga ito.
Bukod ito, target ng LGU na maging rabies-free Mangaldan para sa kaligtasan na rin ng mga residente at maging ang kapakanan ng mga alagang hayop.
Dahil dito, hinihikayat ang lahat na magpunta sa mga itinalagang schedule ng anti-rabies vaccination na makikita sa Public Information Office – Mangaldan facebook page. |ifmnews
Facebook Comments