HIGIT 400 FLU VACCINE DOSES, LIBRENG IPINAMAHAGI SA BAYAN NG SAN NICOLAS

Naipamahagi ang libreng Flu vaccination sa mga residente sa bayan ng San Nicolas, prayoridad ang mga senior citizens.
Katuwang ang Department of Health ng lokal na pamahalaan ng San Nicolas, matagumpay na naisagawa ang libreng flu vaccination sa higit apatnaraang mga residente, partikular na ang mga senior citizens.
Layunin ng aktibidad na maibigay ang nararapat na proteksyon para ‘vulnerable sector’ ng nasabing bayan at upang mas mapaigting pa lalo ang magandang kalusugan para sa lahat.

Samantala, ikinagalak naman ng alkalde ang pakikilahok ng mga residente sa bayan na nagpakita ng interes at matiyaga na pumila upang makatanggap ng flu vaccination.
Nagpasalamat din ang lahat ng benepisyaryo sa libreng serbisyong pangkalusugan na inilapit at inihandog nang libre para sa kanila. |ifmnews
Facebook Comments