ANTI-RED TAPE AUTHORITY (ARTA) NAGSAGAWA NG INSPEKSYON SA LINGAYEN

21

LINGAYEN, PANGASINAN – Nito lamang ay nagsagawa ang Anti-Red Tape Authority (ARTA) ng inspeksyon sa tanggapan ng Business Permits and Licensing Office.

Ito ay upang matiyak ang ‘compliance’ ng naturang tanggapan tungkol sa bagong proseso ng pagkuha ng business permit sa bayan.

Dito ay kanilang sinuri at inobserbahan kung paano ang proseso ng LGU Lingayen lalo na sa usapin ng Ease of Doing Business at Efficient Delivery of Government Service Act, na may probisyon na nag-aatas sa government offices na magtayo ng sariling BOSS o Business One Stop Shop.


Samantala, Ang BOSS ay isang single-window system na nagpapasimple sa aplikasyon at pagsusumite ng mga dokumento sa government offices. | ifmnews

Facebook Comments