PAGBIBIGAY NG BOOSTER SHOTS PARA SA SENIOR CITIZEN AT PERSON WITH COMORBIDITIES, SISIMULAN NA NG LOKAL NA PAMAHALAAN NG MABINI

19

MABINI, PANGASINAN – Sisimulan na rin sa bayan ng Mabini ang pagbibigay ng booster shots para sa mga kabilang sa A2 o senior citizens at A3 o ang person with comorbidities.

Ang mga indibidwal na tinutukoy na mabibigyan ng booster shot ay ang mga nakakuha ng bakunang SinoVac, Astrazeneca, Moderna, or Pfizer nang 6 na buwan o mahigit pa.

Tuturukan ng booster shots simula sa Lunes sa November 29, 2021.


Ang mga nabakunahan naman ng Janssen o Johnson & Johnson nang mahigit 3 buwan ay pwede na ding sumama sa programang ito.

Kinakailangan lamang umanong dalhin ng mga indibidwal ang vaccination card bago bakunahan.

Samantala, ang gagamiting booster shot ay Astrazeneca. | ifmnews



Facebook Comments