Inudyukan na ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) na maglabas ng permits sa higit 3,000 application para sa Transport Network Vehicle Services (TNVS).
Ayon kay ARTE Director General Jeremiah Belgica, matagal silang mag-isyu ng 3,120 permits dahil sa pag-iimprenta nito.
Aniya, pinabibilisan na nila sa LTFRB ang paglalabas ng mga certificate dahin ito na lamang ang hinihintay ng mga naaprubahang aplikasyon.
Nitong hunyo, sinabi ng ride-hailing service na Grab Philippines na ika-kansela nito ang 8,000 TNVS Partners sa kabiguang magsumite ng Proof of Provisional Authority to Operate, ang dokumentong iniisyu ng LTFRB.
Naghain na ang ARTA ng reklamo sa Civil Service Commission (CSC) laban sa tatlong division heads sa finance, technical at legal offices.