Hiniling ni Ombudsman Samuel Martires sa Senado na ibasura na ang Anti-Red Tape Law na lumikha sa Anti Red Tape Authority o ARTA.
Sa ginanap na budget hearing para sa Office of the Ombudsman, nagpahayag ng pagkadismya si Martires dahil pinanghihimasukan na ng ARTA ang trabaho ng Ombudsman bilang isang constitutional body na tukuyin ang sanhi ng ‘inefficiencies’ at red tape sa gobyerno.
Aniya pa, hindi lamang siya makakontra noon habang dinidinig ng Kongreso ang batas dahil siya ay kasalukuyan pang mahistrado ng Korte Suprema.
Wala naman aniyang problema kung dalawa ang opisina na nakatutok sa red tape pero ang mga polisya ng Ombudsman na ipinatutupad ay simple lamang.
Halimbawa aniya rito ang mga polisiya nila na nagbibigay kapangyarihan sa mga lokal na pamahalaan at department heads na disiplinahin ang kanilang mga tauhan.