2023 budget ng Commission on Audit, mabilis na nakalusot sa committee level

84

Mabilis na inaprubahan sa Finance subcommittee ang 2023 budget ng Commission on Audit (COA).

Sa 2023 National Expenditure Program (NEP) ay aabot sa ₱13.8 billion ang inaprubahang pondo para sa ahensya.

Sa presentasyon ng budget, sinabi ni COA Commissioner Roland Pondoc na binawasan ng 5.24 percent ang ibinigay na alokasyon sa kanila para sa susunod na taon.


Dahil dito, umaapela ang COA na maibalik ang ₱723 million na tinapyas sa kanilang budget.

Partikular na binawasan ang kanilang budget para sa personnel services at sa maintenance and other operating expenses.

Nangako naman si Finance Committee Chairman Senator Sonny Angara na sisikaping maibalik ang tinapyas na pondo ng COA.



Facebook Comments