Anti-Regionalism ng mga Kabataan sa Cauayan City, Tinututukan ng SK Federation President!

Cauayan City, Isabela – Lalong tinututukan ngayon ng Cauayan City SK Federation President ang magandang ugnayan ng mga kabataan sa lungsod upang maging aktibo sa pagtulong at pagsuporta sa progreso ng lungsod.

Ipinangako ni SK Federation President Charlene Quintos na kaniyang bibigyan pansin ang anti-regionalism ng mga kabataan mula sa animnapu’t limang barangay ng Cauayan City.

Inihayag pa ni Miss Quintos na sa mga nakaraang taon ay may kaniya-kaniyang grupo ang mga kabataan sa iba’t ibang barangay kung saan ay walang ugnayan at talakayan ng mga proyekto at programa.


Sinabi pa ni Quintos na kaniyang pag-iisahin ang mga kabataang Cauayeños upang tumulong sa progreso ng lungsod.

Dagdag pa niya na nakatakda ang isang seminar sa Baguio City para sa mga SK Chairman sa pakikipag-ugnayan at pakikipagtulungan ng CDRRMO upang kanilang ibahagi rin ang mga kaalaman sa mga kabataan lalo na ang hinggil sa pagtulong sa mga sakuna.

Nanawagan pa si Charlene Quintos sa lahat ng kabataan na maging aktibo sa pagsuporta sa SK Federation upang mas mapatunayan na ang mga kabaatan sa lungsod ay nagkakaisa sa iisang layunin tungo sa tagumpay ng lungsod.

Facebook Comments