Anti-Smoking Campaign, Paiigtingin!

Baguio, Philippines – Magsasagawa ang SMOKE – Free Task force ng parada kontra sa paninigarilyo sa Pebrero 28 taong kasalukuyan upang mas lalong paigtingin ang anti-smoking campaign ng lokal na gobyerno. 

Inaasahang magsisimula ang parada ng alas-diyes ng umaga sa Baguio Convention Center at dadaan sa mga kahabaan ng Session Road at Harrison Road at magtatapos sa Athletic Bowl Oval. 

Naglabas naman ng memorandum si Baguio City Mayor Mauricio Domogan na nagbibigay direktiba sa mga miyembro at opisyal ng nasabing task force kasama ang tig-tatlong representatives sa bawat departamento ng lokal na gobyerno na makibahagi sa nasabing parada at programa. 


iDOL, may mga kakilala ka bang chain smokers?

Facebook Comments