Anti-Smoking ordinance ng Gensan-hindi napatupad ng maayos

179

General Santos City–Dismayado si Gensan City Councilor Rosalita Nuñez matapos na hindi nabigyan ng ngipin ang pagpapatupad ng Anti-Smoking ordinance dito sa lunsod.

Si Councilor Nuñez, na syang may akda ng Ordinance no. 6 ang una nang nagpahayag na hindi naipatupad ng maayos ng mga enforcement agency ang nasabing batas.

Sinabi pa nito na parang walang ipinatupad na Anti-smoking ordinance sa Gensan dahil marami pa rin ang naninigarilyo sa mga pampublikong lugar.


Dahil dito muli itong ipinaabot ng opisyal sa kanilang Session para silay makagawa ng paraan para naman mabigyan ng kamay na bakal ang pagpapatupad nito.

Facebook Comments