Manila, Philippines – Isinusulong ni House Committee on Metro Manila Development Chairman, Quezon City Representative Winston Castelo ang panukalang ipagbawal ang pagdudura sa pampublikong lugar sa buong bansa.
Ayon kay Castelo, hindi maituturing na malinis at delikado sa kalusugan ang pagdudura na lang sa kung saan-saan.
Dapat aniya matigil ang ganitong kaugalian ng mga Pilipino.
Ang pagdudura ay isa sa mga dahilan ng pagkalat ng iba’t-ibang sakit gaya ng tuberculosis.
Sa ngayon, ang lungsod lamang ng Davao ang nagpapatupad ng anti-spitting law mula pa noong 2018.
Facebook Comments