GANTI? | Dating drayber ni Kerwin Espinosa, pinagbabaril

Albuera, Leyte – Patay ang dating driver ni Kerwin Espinosa na si Nelson Pepito matapos pagbabarilin sa Albuera, Leyte.

Magde-deliver lamang ng manok ang biktima kasama ang kanyang asawa nang pagbabarilin ito ng riding in tandem.

Nakatakbo pa ang biktima nang tamaan ito ng bala sa tagiliran pero hinabol pa rin siya ng mga suspek saka ilang ulit na pinagbabaril hanggang sa mapatay.


Posibleng may kinalaman ang Espinosa Drug Group sa krimen matapos pumanig sa gobyerno si Pepito para isumbong ang iligal na gawain ng pamilya Espinosa.

Nahihirapan ngayon ang pulisya sa imbestigasyon dahil tumangging magpahayag ang pamilya ng biktima na magsampa ng kaso.

Facebook Comments