Anti -Terror Bill Suportado ng BULDON LGU

Pinangunahan ni Buldon Mayor Abolais Manalao kasama si Vice Mayor Atty. Cairoden Pangunotan at mga bumubuo ng Sangguniang Bayan ang isinagawang Municipal Peace and Order kahapon.

Tampok sa pagpupulong ang usapin pa rin sa COVID 19, kabilang na ang pangangalaga sa mga umuuwing Locally Stranded Individuals at Returning Overseas Filipino.

Napag usapan rin ang patuloy na pagpapalakas ng samahan ng mga security sectors para manatili ang kapayapaan sa bayan, kasabay ng pagsuporta ng buong LGU sa isinusulong ng Anti-Terrorism Bill.
Napakalaki aniya ang maitutulong nito para mapanatili ang Peace and Order ng bayan ayon pa kay Mayor Manalao.
Matatandaang noong nagdaang mga panahon ay naging sentro rin ng kaguluhan ang bayan dahil sa presensya ng mga armado bukod pa sa pamamayagpag ng RIDO.


Kabilang rin sa napag -usapan ang mariing pagbabawal sa sinu man sa pagamit ng LOGO ng LGU sa kani- kanilang Facebook bilang Profile Picture maging Cover Photo, sinasabi kasing nagdulot ng kalituhan sa mga Facebook Users o ang mga Netizens ang minsay paggamit ng LOGO ng Buldon sa kanilang pansariling interes.

Dumalo sa MPOC ang mga representante ng Marines, PNP mga department heads at religious sector.

Facebook Comments