Anti-Terrorism Campaign isinagawa sa Buldon , Maguindanao

Idineklara na ng LGU Buldon na Persona Non Grata ang New Peoples Army.
Itoy kasabay ng inilabas na resolution ng SB Buldon sa pangunguna ni Vice Mayor Atty. Cairoden Pangunotan sa direktiba na rin ni Mayor Abolais Manalao.
Napapaloob rin sa resolution ang pag-apela sa mga taga Buldon na huwag suportahan ang NPA.
Matatandaang noong nakaraang linggo, namataan di umano ang presensya ng mga NPA sa mga boundary ng Bukidnon, North Cotabato, Lanao Del Sur at Buldon Area .
Samantala, isinagawa naman ngayong araw sa Sitio Dimagalen, Brgy. Karim, ang Anti- Terrorism Campaign. Naglalayun ito na ipinauwa ang kahalagahan ng pagkakaisa para labanan ang terorismo ayon pa kay Mayor Manalao.
Naging katuwang ng LGU Buldon ang 2nd Marine Landing Team. Habang lumahok naman sa aktibidad ang mga Brgy. Officials, Religious Sector, mga guro , istudyante at mga residente.

Facebook Comments