2020 Western Visayas Regional Athletic Association Meet di matutuloy ngayong Pebrero dahil sa 2019 Ncov.

Kalibo, Aklan—Minabuting i-reschedule muna ng organisers mula sa Department of Education (DepEd-Aklan) ang 2020 Western Visayas Regional Athletic Association Meet.
Ang disisyon para sa indefinite postponment na ito ay lumabas matapos ang pulong nina Schools Division Superintendent Miguel Mac Aposin at Gov. Florencio Miraflores at Aklan Sports Committee.
Magsasagawa pa ng karagdagang meeting bukas ang Regional Mangement Committee para isa ayos ang final date ng pinakamalaking sports event ng mga student-athletes sa buong Region 6.
Ang pagreschedule ng WVRAA ay iniayon na rin sa abiso ng mga health authorities kung saan gaganapin na lamang ito sa ibang petsa habang kasalukuyan pang hinaharap ng lalawigan ng Aklan ang banta ng N-Cov.
Maaalalang ang probinsiya ay maghohost ng taunang sports competition ngayong taon matapos huli itong ginanap sa lalawigan noong 2015.

Facebook Comments