Gagamitin ng Armed Forces of the Philippines (AFP) ang buong pwersa ng Anti-Terrorism Law laban sa Abu Sayyaf Group.
Sinabi ito ni AFP Chief of Staff Lt. Gen. Gilbert Gapay sa harap ng kanilang mga kampaya kontra terrorismo dahil sa “rising terrorist threat” mula sa ASG at iba pang local terror groups.
Batay sa record ng militar, 83 ang namatay at 505 ang sugatan sa mga pambobomba ng ASG mula 2009 hanggang August 2020.
Ang huling insidente ay ang pagsabog sa Jolo nang nakalipas na buwan kung saan 15 ang nasawi at 73 ang sugatan.
Sa ulat pa ng militar nito lamang nakaraang taon, anim na insidente ng pambobomba ang naganap sa Jolo, Indanan at Patikul, Sulu na nagresulta sa pagkamatay ng 31 at pagkasugat ng 136 sa pwersa ng pamahalaan at sibilyan.
Samatala, ang Daesh-inspired terrorist group naman ay may humigit kumulang 200 regular member na may 212 high-powered firearms at 147 natukoy na supporters, na nag-o-operate sa Sulu, Basilan, Tawi-Tawi at Zamboanga City.