Anti-Terrorism Law, pwedeng ipatupad kahit wala pang IRR

“Ano ang hinihintay niyo, Pasko?”

Yan ang reaksyon ni Senate President Vicente Tito Sotto III sa pahayag ni Philippine National Police (PNP) Chief General Archie Gamboa na hindi pa nila maipatupad ang Anti-Terrorism Law dahil wala pa itong Implementing Rules and Regulations o IRR.

Pero giit ni Sotto sa Philippine National Police, in effect na ang Anti-Terrorism Law o pwede ng ipatupad mayroon man o walang IRR.


Ang mensahe ni Sotto ay kasunod din ng naganap na kambal na pagsabog sa Jolo, Sulu na basehan ngayon ng panawagang muling isailalim ang Mindanao sa Martial Law.

Nauna ng sinabi ni Sotto na hindi kailangan ang Martial Law dahil mayroon na tayong Anti-Terrorism Act of 2020.

Facebook Comments