Antibiotic resistance sa bansa, tumaas – DOH

Nakitaan ng Department of Health (DOH) ng pagtaas ang antibiotic resistance sa bansa.

Ayon kay Health Undersecretary Maria Rosario Vergeire, naobserbahan nilang maraming Pilipino ang umiinom agad ng antibiotic kahit na sa simpleng sakit gaya ng lagnat at sore throats.

Paalala nito, kinakailangan munang magpakonsulta at magpareseta sa doktor bago uminom ng nasabing gamot.


Babala pa ni Vergeire, posibleng magdulot lamang ito ng Antimicrobial Resistance (AMR) o kondisyon kung saan hindi na tumatalab ang ordinaryong gamot sa isang tao para sa isang partikular na sakit.

Nagpapaalala rin ito sa mga botika na iwasan ang pagbebenta ng antibiotics lalo na kung walang reseta mula sa doktor.

Facebook Comments