Vice presidential aspirant at Davao City Mayor Sara Duterte, muling nanumpa bilang pinuno ng Hugpong ng Pagbabago

Muling nanumpa bilang Chairperson ng regional party na Hugpong ng Pagbabago si vice presidential aspirant at Davao City Mayor Sara Duterte.

Ayon kay Mayor Sara, masaya siyang nakabalik sa kaniyang partido, ilang araw matapos mag-resign at sumapi sa national political party na Lakas-CMD.

Matatandaang nito lamang din nang tanggapin ng alkalde ang Chairmanship ng Lakas-CMD matapos ialok ni Senator Ramon Revilla Jr.


Samantala, iginiit ni HNP Secretary General Anthony del Rosario na walang nalabag na batas at naaayon sa konstitusyon ang ginawang ito ni Mayor Sara.

Aniya, susi rin ito para sa mas mapatibay pa ang alyansa sa pagitan ng dalawang partido.

Facebook Comments